Wikibooks
tlwikibooks
https://tl.wikibooks.org/wiki/Unang_Pahina
MediaWiki 1.39.0-wmf.23
first-letter
Midya
Natatangi
Usapan
Tagagamit
Usapang tagagamit
Wikibooks
Usapang Wikibooks
Talaksan
Usapang talaksan
MediaWiki
Usapang MediaWiki
Padron
Usapang padron
Tulong
Usapang tulong
Kategorya
Usapang kategorya
Pagluluto
Usapang pagluluto
Wikijunior
Usapang Wikijunior
TimedText
TimedText talk
Module
Module talk
Gadget
Gadget talk
Gadget definition
Gadget definition talk
Florante at Laura/Kabanata 1
0
1725
28290
16158
2022-08-12T12:32:04Z
Kwamikagami
674
wikitext
text/x-wiki
{{Florante at Laura|awit|1| A = Pag-aalay kay Selya
| K = Sa Babasa Nito
| Kasalukuyan =
Kung [[:wikt:pagsaulan|pagsaulan]] kong basahin<ref>Ginagamit sa katuturan ng "aalalahanin" o "isipin".</ref> sa isip
ang [[:wikt:nangakaraang|nangakaraang]] araw ng pag-ibig,
may mahahagilap kayang natititik
liban na kay Selyang<ref>bansag na ibinigay ni [[:w:Balagtas|Francisco Balagtas]] sa dating kasintahan</ref> namugad sa dibdib?

Yaong Selyang laging pinapanganiban,
baka makalimot sa pag-iibigan;
ang ikinalubog [[:wikt:niring|niring]] kapalaran
sa lubhang malalim na [[:wikt:karalitaan|karalitaan]].

Makaligtaan ko kayang 'di basahin,
nagdaang panahon ng suyuan namin?
kaniyang pagsintang ginugol sa akin
at pinuhunan kong pagod at [[:wikt:hilahil|hilahil]]?

Lumipas ang araw na lubhang matamis
at walang natira kundi ang pag-ibig,
tapat na pagsuyong lalagi sa dibdib
hanggang sa libingan bangkay ko'y maidlip.

Ngayong [[:wikt:namamanglaw|namamanglaw]] sa pangungulila,
ang ginagawa kong pang-aliw sa dusa,
nagdaang panaho'y inaalaala,
sa iyong larawa'y ninitang ginhawa.

Sa larawang guhit ng sintang [[:wikt:pinsel|pinsel]],
kusang inilimbag sa puso't [[:wikt:panimdim|panimdim]]
nag-iisang sanlang naiwan sa akin,
at 'di mananakaw magpahanggang libing.

Ang kaluluwa ko'y kusang dumadalaw
sa lansanga't ngayong iyong niyapakan;
sa Ilog Beata't Hilom<ref>mga katubigan sa [[:w:Pandakan|Pandakang]] kanilang dinadalaw nang sila ay magkasintahan pa</ref> na mababaw,
[[:wikt:yaring|yaring]] aking puso'y laging lumiligaw.

'di mamakailang mupo ng panimdim
sa puno ng manggang naraanan natin;
sa nagbiting bungang ibig mong pitasin,
ang ulilang sinta'y aking inaaliw.

Ang katauhan ko'y kusang nagtatalik<ref>Ginagamit sa katuturan ng "nangungusap", hindi sa "pakikiapid" o "pagsisiping".</ref>
sa buntung-hininga nang ika'y may sakit,
himutok ko noo'y inaaring-langit,
paraiso naman ang may tulong-silid.

Nililigawan ko ang iyong larawan
sa makating ilog<ref>Walang kaugnayan sa [[:w:lungsod ng Makati|Lungsod ng Makati]] o sa pangangailangan ng pagkamot, kundi ito ay mula sa salitang "kati", na nangangahulugang taas ng tubig sa dagat.</ref> na kinalagian;
binabakas ko rin sa masayang do'ngan,<ref>mula sa "daungan"</ref>
yapak ng paa mo sa batong tuntungan.

Nagbabalik mandi't parang hinahanap,
dito ang panahong masayang lumipas;
na kung maliligo'y sa tubig [[:wikt:aagap|aagap]],
nang hindi abutin ng [[:wikt:tabsing|tabsing]] sa dagat.

Parang naririnig ang lagi mong wika:
"Tatlong araw na 'di nagtatanaw-tama,"
at sinasagot ko ng sabing may tuwa-
"Sa isang katao'y marami ang handa."

Anupa nga't walang 'di nasisiyasat
ang pag-iisip ko sa tuwang kumupas;
sa kagugunita, luha'y [[:wikt:lagaslas|lagaslas]],
sabay ang [[:wikt:taghoy|taghoy]] kong "O, nasawing palad!"

Nasaan si Selyang ligaya ng dibdib?
Ang suyuan nami'y bakit 'di lumawig?
[[:wikt:nahan|Nahan]] ang panahong isa niyang titig
ang siyang buhay ko, kaluluta't langit?

Bakit baga ngayong kami maghiwalay
ay dipa nakitil yaring abang buhay?
Kung gunitain ka'y aking kamatayan,
sa puso ko Selya'y, 'di ka [[:wikt:mapaparam|mapaparam]].

Itong 'di matiis na pagdaralita
nang dahil sa iyo, o nalayong tuwa,
ang siyang umakay na ako'y tumula,
awitin ang buhay ng isang naaba.

Selya'y talastas ko't malalim na [[:wikt:umid|umid]],
mangmang ang [[:wikt:Musa|Musa]] ko't malumbay na tinig;
'di kinabahagya kung hindi [[:wikt:malait|malait]],
palaring dinggin mo ng tainga't isip.

Ito'y unang bukal ng bait kong [[:wikt:kutad|kutad]]
na inihahandog sa mahal mong yapak;
tanggapin mo nawa kahit walang lasap,
nagbuhat sa puso ng lingkod na tapat.

Kung kasadlakan man ng pula't [[:wikt:pag-ayop|pag-ayop]],
tubo ko'y dakila sa pahunang pagod;
kung binabasa mo'y isa mang himutok
ay alalahanin yaring naghahandog.<ref>Si [[:w:Balagtas|Francisco Balagtas]] ang itinutukoy.</ref>

Masasayang [[:wikt:Ninfas|Ninfas]] sa lawa ng Bai,
[[:wikt:Sirenas|Sirenas]], ang tinig ay kawili-wili,
kayo ngayo'y siyang [[:wikt:pinipintakasi|pinipintakasi]]
ng lubhang mapanglaw na Musa kong imbi.

Ahon sa dalata't pampang na nagligid,
tonohan ng lira yaring abang awit
na nagsasalitang buhay mo'y mapatid,
tapat na pagsinta'y hangad na lumawig.

Ikaw na bulaklak niring dilidili,
Selyang sagisag mo'y ang MAR<ref>Binabasa nang {{IPA|/'eme 'a 'ere/}} ([[:w:Wikang Kastila|Kastilang]] pagbikas).</ref>
sa Birheng<ref>Ang tinutukoy ay si [[:w:Maria|Maria]] ng [[:w:Kristyanismo|Kristyanismo]].</ref> mag-ina'y [[:wikt:ipamintakasi|ipamintakasi]]
ang tapat mong lingkod na si FB<ref>Binabasa nang {{IPA|/'efe 'be/}} (Kastilang pagbigkas).</ref>
| Orihinal =
Cong pag saulang cong basahin sa isip
ang nan͠gacaraang arao n͠g pag-ibig,
may mahahaguilap cayang natititic
liban na cay Celiang namugad sa dibdib?

Yaong Celiang laguing pinan͠gan͠ganiban
baca macalimot sa pag-iibigan;
ang iquinalubog niyaring capalaran
sa lubhang malalim na caralitaan.

Macaligtaang co cayang di basahin
nagdaáng panahón n͠g suyuan namin?
caniyang pagsintáng guinugol sa aquin
at pinuhunan cong pagod at hilahil?

Lumipas ang arao na lubhang matamis
at ualáng nátira condi ang pag-ibig,
tapat na pag suyong lalagui sa dibdib
hanggang sa libin͠gan bangcay co,i, maidlip.

N͠gayong namamanglao sa pangongolila
ang guinagaua cong pag-alio sa dusa
nag daang panaho,i, inaala-ala,
sa iyong laraua,i, ninitang guinhaua.

Sa larauang guhit n͠g sa sintang pincel
cusang ilinimbag sa puso,t, panimdim,
nag-íisang sanláng naiuan sa aquin
at di mananacao magpahangang libing.

Ang caloloua co,i, cusang dumadalao
sa lansan͠ga,t, náyong iyóng niyapacan
sa ilog Beata,t, Hilom na mababao
yaring aquing puso,i, laguing lumiligao.

Di mámacailang mupo ang panimdin
sa puno n͠g mangang náraanan natin,
sa nagbiting bun͠gang ibig mong pitasín
ang ulilang sinta,i, aquing ináaliu.

Ang catauhang co,i, cusang nagtatalic
sa buntong-hinin͠ga nang icao,i, may saquit,
himutoc co niyao,i, inaaring Lan͠git
Paraiso namán ang may tulong silíd.

Liniligauan co ang iyong larauan
sa Macating ilog, na quinalagui-an
binabacás co rin sa masayáng doon͠gan,
yapac n͠g paá mo sa batóng tuntun͠gan.

Nag babalíc mandi,t, parang hinahanp
dito ang panahóng masayáng lumipas
na cong maliligo,i, sa tubig áagap,
nang hindi abutin n͠g tabsing sa dagat.

Parang naririn͠gig ang laguî mong uica
"tatlong arao na di nag tatanao tama"
at sinasagot co ng sabing may touâ
sa isa catauo,i, marami ang handa.

Ano pan͠ga,t, ualang dî nasisiyasat,
ang pagiisipco sa touang cumupas
sa cagugunitâ, luha,i, lalagaslás
sabay ang taghoy cong "¡ó, nasauing palad!"

Nasaan si Celiang ligaya ng dibdib?
ang suyuan nami,i, baquít dí lumauig?
nahan ang panahóng isá niyang titig
ang siyang búhay co, caloloua,t, Lan͠git?

Baquit bagá niyaóng cami mag hiualay
ay dîpa naquitil yaring abáng búhay?
con gunitain ca,i, aquing camatayan,
sa puso co Celia,i, dica mapaparam.

Itong dî matiis na pagdaralitâ
nang dahil sa iyo, ó nalayóng touâ,
ang siyang umacay na aco,i, tumulâ
auitin ang búhay nang isang na abâ.

Celia,i, talastás co,t, malabis na umid,
mangmáng ang Musa co,t, malumbay ang tinig
di quinabahag-yâ cong hindí malait
palaring dinguin mo ng tainga,t, isíp.

Ito,i, unang bucal nang bait cong cutad
na inihahandóg sa mahal mong yapac
tangapin mo nauâ cahit ualang lasáp
nagbúhat sa puso nang lingcód na tapát.

Cong casadlacán man ng pula,t, pag ayop
tubo co,i, daquila sa puhunang pagod,
cong binabasa mo,i, isá mang himutóc
ay alalahanin yaríng nag hahandóg.

Masasayáng Ninfas sa laua nang Bay,
Sirenas, ang tinig ay cauili-uili
cayó n͠gayo,i, siyang pinipintacasi
n͠g lubháng mapanglao na Musa cong imbi.

Ahon sa dalata,t, pangpang na nag liguid
tunuhan nang lira yaring abáng auit
na nag sasalitáng búhay ma,i, mapatid,
tapát na pag sinta,i, han͠gad na lumauig.

Icao na bulaclac niyaring dili-dili,
Celiang saguisag mo,i, ang M. A. R.
sa Virgeng mag-Iná,i, ipamintacasi
ang tapát mong lingcód na si F. B.}}
hrznhwrywevtiak2u8fbzffcf4sxi2g
Florante at Laura/Kabanata 2
0
1727
28291
27384
2022-08-12T12:50:22Z
Kwamikagami
674
wikitext
text/x-wiki
{{Florante at Laura|awit|2| A = Sa Babasa Nito
| B = Pag-aalay selya
| Kasalukuyan =
Salamat sa iyo,<ref>Ang mambabasa ang itinutukoy.</ref> o nanasang<ref>Ang [[:w:aspeto ng pandiwa|aspeto ng pandiwang]] ito ay makaluma, at hindi na ginagamit sa kasalukuyang [[:w:Wikang Tagalog|Tagalog]]. Sa kasalukuyang Tagalog, ito ay "[[:wikt:bumabasa|bumabasa]]". Parehong salita ay mula sa pandiwang [[:w:basa|basa]].</ref> irog,
kung halagahan mo itong aking pagod,
ang tula ma'y bukal ng bait na kapos,
pakikinabangan ng ibig tumarok.

Kung sa biglang tingi'y [[:wikt:bubot|bubot]] at masaklap
palibhasa'y hilaw at mura ang balat
ngunit kung namnamin ang sa lamang lasap,
masasarapan din ang babasang pantas.

'di ko hinihinging pakamahalin mo,
tawana't dustain ang abang tula ko;
gawin ang ibigi't [[:wikt:alpa'y|alpa'y]] nasa iyo
ay huwag mo lamang baguhin ang berso.

Kung sa pagbasa mo'y may tulang malabo,
bago mo hatulang [[:wikt:katkatin|katkatin]] at liko,
pasuriin muna ang [[:wikt:luwasa't|luwasa't]] [[:wikt:hulo|hulo]],
at makikilalang malinaw at wasto.

Ang may tandang letra alinmang talata,
'di mo [[:wikt:mawatasa't|mawatasa't]] malalim na wika,
ang mata'y itingin sa dakong ibaba,
buong kahuluga'y mapag-uunawa.<ref>Ito ay dahil ang orihinal na awit ay naglalaman din ng mga talababa kung saan inilalagay ang mga kahulugan ng mga malalalim at di-pangkaraniwang salita.</ref>

Hanggang dito ako, o nanasang pantas,
sa kay Segismundo'y<ref>isang makatang kilala sa kaugalian niyang pagbabago ng mga bahagi ng mga panitikan</ref> huwag ding matulad;
sa gayong katamis wikang masasarap
ay sa kababago ng tula'y umalat.
| Orihinal =
Salamat sa iyo, ó nánasang írog,
cong halagahán mo itóng aquing pagod,
ang tulâ ma,i, bucál nang bait na capós,
paquiquinaban͠gan nang ibig tumaróc.

Cong sa bigláng tin͠gi,i, bubót at masacláp
palibhasa,i, hilao at mura ang balát
ngunit cung namnamín ang sa lamáng lasáp
masasarapán din ang babasang pantás.

Di co hinihin͠ging pacamahalín mo,
tauana,t, dustaín ang abáng tulâ co
gauin ang ibigui,t, alpa,i, na sa iyó
ay houag mo lamang baguhin ang verso.

Cong sa pagbasa mo,i, may tulang malabo
bago mo hatulang catcatin at licô
pasuriin muna ang luasa,t, hulô
at maquiquilalang malinao at uastô.

Ang may tandang letra alin mang talata
dimo mauatasa,t, malalim na uicà
ang mata,i, itin͠gin sa dacong ibabâ
boong cahuluga,i, mapag uunauà.

Hangán dito acó ó nánasang pantás,
sa cay Sigesmundo,i, houag ding mátulad
sa gayóng catamis uicang masasaráp
ay sa cababago nang tula,i, umalat.}}
n0s970kb5eo6it09s3fssggqecgrwg4
Florante at Laura/Kabanata 3
0
1732
28292
18690
2022-08-12T12:50:56Z
Kwamikagami
674
wikitext
text/x-wiki
{{Florante at Laura|awit|3| A = Pagbubukas
| B = Sa Babasa Nito
| K = Masamang Kapalarang Sinapit
| Kasalukuyan =
Sa isang madilim, gubat<ref>Ito ang gubat sa labas ng [[:w:Epiro (rehiyon)|Epiro]] sa tabi ng [[:w:Kosito|Ilog Kosito]]</ref> na [[:wikt:mapanglaw|mapanglaw]],
[[:wikt:dawag|dawag]] na matinik ay walang pagitan,
halos naghihirap ang kay [[:w:Pebo|Pebong]] silang
dumalaw sa loob na lubhang masukal.

Malalaking kahoy — ang inihahandog,
pawang dalamhati, kahapisa't lungkot;
huni pa ng ibon ay nakalulunos
sa lalong matimpi't nagsasayang loob.

[[:wikt:tanang|Tanang]] mga baging na namimilipit
sa sanga ng kahoy ay balot ng tinik;
may [[:wikt:bulo|bulo]] ang bunga't nagbibigay-sakit
sa kanino pa mang sumagi't malapit.

Ang mga bulaklak ng natayong kahoy,
pinakapamuting [[:wikt:nag-ungos|nag-ungos]] sa dahon;
pawang kulay luksa<ref>Kulay [[:w:biyoleta|biyoleta]] o madidilim na kulay ang itinutukoy.</ref> at nakikiayon
sa [[:wikt:nakaliliyong|nakaliliyong]] masangsang na amoy.

Karamiha'y [[:w:Sipres|Sipres]] at [[:w:Higera|Higerang]] [[:wikt:kutad|kutad]]
na ang lihim niyon ay nakakasindak;
ito'y walang bunga't daho'y malalapad
na nakadidilim sa loob ng gubat.

Ang mga hayop pang dito'y gumagala,
karamiha'y [[:wikt:s'yerpe't|S'yerpe't]] [[:w:Basilisko|Basilisko]]'y madla
[[:w:Hayena|Hayena]]'t [[:w:Tigre|Tigreng]] [[:wikt:ganid|ganid]] na [[:wikt:nagsisila|nagsisila]]
ng buhay ng tao't daiging kapuwa.

Ito'y gubat manding sa pinto'y malapit
ng [[:wikt:Avernong|Avernong]] [[:wikt:Reyno|Reyno]] ni [[:w:Pluto|Plutong]] masungit;
ang nasasakupang lupa'y dinidilig
ng [[:w:Kosito|Ilog Kositong]] kamandag ang tubig.

Sa may gitna nitong mapanglaw na gubat,
may punong Higerang daho'y [[:wikt:kulay-pupas|kulay-pupas]];
dito nagagapos ang kahabag-habag,<ref>si [[Florante]]</ref>
isang [[:wikt:pinag-usig|pinag-usig]] ng masamang palad.

Baguntaong [[:wikt:basal|basal]] na ang anyo'y tindig,
kahit natatali — kamay, paa't liig,
kundi si [[:w:Narsiso|Narsiso]]'y tunay na [[:w:Adonis|Adonis]],
mukha'y sumisilang sa gitna ng sakit.

Makinis ang balat at [[:wikt:anaki|anaki]] [[:wikt:burok|burok]],
pilikmata't kilay — mistulang [[:wikt:balantok|balantok]];
bagong [[:wikt:sapong|sapong]] ginto ang kulay ng buhok,
sangkap ng katawa'y pawang magkaayos.
| Orihinal =
Sa isang madilím gúbat na mapanglao
dauag na matinic, ay ualáng pag-itan,
halos naghihirap ang cay Febong silang
dumalao sa loob na lubhang masucal.

Malalaquing cahoy ang inihahandóg
pauang dalamhati, cahapisa,t, lungcót
huni pa n͠g ibon, ay nacalulunos
sa lalong matimpi,t, nagsasayáng loob.

Tanáng mga baguing, na namimilipit
sa sangá ng cahoy, ay balót n͠g tinic
may bulo ang bun͠ga,t, nagbibigay sáquit
sa cangino pa máng sumagi,t, málapit.

Ang m͠ga bulaclac n͠g nag tayong cahoy
pinaca-pamuting nag ungós sa dahon
pauang culay lucsa, at naquiqui ayon
sa nacaliliong masangsang na amoy.

Caramiha,i, Ciprés at Higuerang cutád,
na ang lilim niyaón ay nacasisindác
ito,i, ualang bun͠ga,t, daho,i, malalapad,
na nacadidilím sa loob ng gubat.

Ang m͠ga hayop pang dito,i, gumagalâ
caramiha,i, Sierpe,t, Baselisco,i, mad-la,
Hiena,t, Tigreng ganid nanag sisi sila,
ng búhay n͠g tauo,t, daiguíng capoua.

Ito,i, gúbat manding sa pinto,i, malapit
n͠g Avernong Reino ni Plutong masun͠git
ang nasasacupang lupa,i, dinidilig
n͠g ilog Cocitong camandag ang túbig.

Sa may guitnâ nito mapanglao na gubat
may punong Higuerang daho,i, culay pupás,
dito nagagapos ang cahabag habag
isang pinag usig n͠g masamang palad.

Bagong tauong basal, na ang anyo,t, tindig
cahit natatalì camay, paá,t, liig
cundî si Narciso,i, tunay na Adonis
muc-ha,i, sumisilang sa guitnâ n͠g sáquit.

Maquinis ang balát at anaqui buroc
pilicmata,t, quilay mistulang balantók
bagong sapóng guinto ang cúlay n͠g buhóc
sangcáp n͠g cataua,i, pauang magca-ayos.}}
9xr2o64t6nuss9xsrpj6vimrhx2nniq
Florante at Laura/Kabanata 4
0
1908
28293
6996
2022-08-12T12:52:07Z
Kwamikagami
674
wikitext
text/x-wiki
{{Florante at Laura|awit|4| A = Masamang Kapalarang Sinapit
| B = Pagbubukas
| K = Panibugho sa Minamahal
| Kasalukuyan =
[[:wikt:dangan|Dangan]] doo'y walang [[:wikt:Oreadang Ninfas|Oreadang Ninfas]],
gubat sa Palasyo ng masidhing [[:w:Harpiyas|Harp'yas]],
nangaawa [[:wikt:disin|disi't]] naakay lumiyag
sa himalang tipon [[:wikt:karikta't|karikta't]] hirap.

Ang abang uyamin ng [[:wikt:dalita't|dalita't]] sakit —
and dalawang mata'y bukal ang kaparis;
sa luhang [[:wikt:nanatak|nanatak]]<ref>Ang [[:w:aspeto ng pandiwa|aspeto ng pandiwang]] ito ay makaluma, at hindi na ginagamit sa kasalukuyang [[:w:Wikang Tagalog|Tagalog]]. Sa kasalukuyang Tagalog, ito ay "[[:wikt:pumapatak|pumapatak]]". Parehong salita ay mula sa pandiwang [[:w:patak|patak]].</ref> at [[:wikt:tinangis-tangis|tinangis-tangis]],
ganito'y damdamin ng may awang dibdib.

"Mahiganting langit! Bangis mo'y nasaan?
ngayo'y [[:wikt:naniniig|naniniig]] sa [[:wikt:pagkagulaylay|pagkagulaylay]];
bago'y ang bandila ng lalong kasam-an
sa [[:wikt:Reynong|Reynong]] [[:w:Kaharian ng Albanya|Albanya]]'y iniwagayway."

"Sa loob at labas ng bayan kong sawi,
[[:wikt:kaliluha'y|kaliluha'y]] siyang nangyayaring hari,
kagalinga't bait ay [[:wikt:nalulugami|nalulugami]],
ininis sa hukay ng dusa't pighati."

"Ang magandang asal ay ipinupukol
sa laot ng dagat kutya't [[:wikt:linggatong|linggatong]];
[[:wikt:balang|balang]] magagaling ay ibinabaon
at inililibing na walang kabaong."

"Nguni, at ang [[:wikt:lilo't|lilo't]] masasamang loob
sa trono ng puri ay iniluklok,
at sa balang [[:wikt:sukab|sukab]] na may asal-hayop,
mabangong insenso ang [[:wikt:isinusuob|isinusuob]]."

"[[:wikt:kaliluha't|Kaliluha't]] sama ang ulo'y nagtayo
at ang kabaita'y [[:wikt:kimi|kimi]] at nakayuko;
santong katuwira'y [[:wikt:lugami|lugami]] at [[:wikt:hapo|hapo]],
ang luha na lamang ang pinapatulo."

"At ang balang bibig na binubukalan
ng sabing magaling at katotohanan,
agad binibiyak at [[:wikt:sinisikangan|sinisikangan]]
ng [[:wikt:kalis|kalis]] ng lalong [[:wikt:dustang|dustang]] kamatayan."

"O, taksil na [[:wikt:pita|pita]] sa yama't mataas!
O, hangad sa puring hanging lumilipas!
Ikaw ang dahilan ng kasam-ang lahat
at [[:wikt:niring|niring]] nasapit na kahabag-habag!"<ref>Ang kinakausap dito ni [[Florante]] ay ang [[Konde Adolfo]] bilang paninisi sa kanyang [[:wikt:kaliluhang|kalilihang]] ginawa kay Florante at sa [[:w:Kaharian ng Albanya|Albanya]].</ref>

"Sa Korona dahil ng [[Haring Linceo]],
at sa kayamanan ng [[:w:Duke|Dukeng]] Ama<ref>si [[Duke Briseo]]</ref> ko,
ang ipinangahas ng [[Konde Adolfo]]
sabugan ng sama ang Albanyang [[:wikt:Reyno|Reyno]]."

"Ang lahat ng ito, maawaing Langit,
Iyong tinutunghaya'y ano't natitiis?
Mula Ka ng buong katuwira't bait,
pinayagang Mong ilubog ng lupit.<ref>si [[Florante]]</ref>"<ref>Ang kinakausap dito ni [[Florante]] ay ang [[:w:Diyos|Diyos]]. Pareho ito hanggang sa huling saknong.</ref>

"Makapangyarihang kamay Mo'y ikilos,
pamimilansikin ang kalis ng poot;
sa Reynong Albanya'y kusang ibulusok
ang Iyong higanti sa masamang-loob."<ref>Si [[Konde Adolfo]] ang itinutukoy.</ref>

Bakit Kalangita'y bingi Ka sa akin?
Ang tapat kong luhog ay hindi mo dinggin?
'di yata't sa isang alipusta't iling
sampung tainga mo'y [[:wikt:ipinangunguling|ipinangunguling]]?

"[[:wikt:datapuwa't|Datapuwa't]] sino ang [[:wikt:tatarok|tatarok]] kaya
sa mahal Mong lihim, [[:w:Diyos|Diyos]] na dakila?
Walang nangyayari sa balat ng lupa,
'di may kagaligang Iyong ninanasa."

"Ay, 'di saan ngayon ako mangangapit?
Saan ipupukol ang tinangis-tangis,
kung ayaw na ngayong dinigin ng Langit,
ang sigaw ng aking malumbay ng boses?"
| Orihinal =
Dan͠gan doo,i, ualang Oreadang Ninfas,
gúbat na Palacio n͠g masidhing Harpías,
nangaaua disi,t, na acay lumiyag
sa himaláng tipon n͠g caricta,t, hirap.

Ang abáng oyamin n͠g dálita,t, sáquit
ang dalauang mata,i, bucál ang caparis,
sa lúhang nanatác, at tinan͠gis-tan͠gis
ganito,i, damdamin n͠g may auang dibdib.

Mahiganting lan͠git, ban͠gis mo,i, nasaan?
n͠gayo,i, naniniig sa pagcá-gulaylay
bago,i, ang bandilà n͠g lalong casam-an
sa Reinong Albania,i, iniuauagayuay?

Sa loob at labás, n͠g bayan cong sauî
caliluha,i, siyang nangyayaring harî
cagalin͠ga,t, bait ay nalulugamî
ininís sa hucay nang dusa,t, pighatî.

Ang magandang asal ay ipinupucól
sa láot n͠g dagat n͠g cut-ya,t, lingatong
balang magagalíng ay ibinabaón
at inalilibing na ualáng cabaong.

N͠guni, ay ang lilo,t, masasamang loób
sa trono n͠g puri ay inalulucloc
at sa balang sucáb na may asal hayop
maban͠gong incienso ang isinusuob.

Caliluha,t, sama ang úlo,i, nagtayô
at ang cabaita,i, quimi,t, nacayucô,
santong catouira,i, lugamì at hapô,
ang lúha na lamang ang pinatutulô.

At ang balang bibíg na binubucalán
nang sabing magalíng at catutuhanan
agád binibiác at sinisican͠gan
nang cáliz n͠g lalong dustáng camatayan.

¡O tacsíl na pita sa yama,t, mataás!
¡o hangad sa puring hanging lumilipas!
icao ang dahilan n͠g casamáng lahat
at niyaring nasapit na cahabághabág.

Sa Corona dahil n͠g haring Linceo
at sa cayamanan n͠g Duqueng Amá co,
ang ipinangahás n͠g Conde Adolfo
sabugan n͠g sama ang Albaniang Reino.

Ang lahát nang itó, ma-auaing lan͠git
iyóng tinutunghá,i, anó,t, natitiis?
mula ca n͠g boong catouira,t, bait
pinapayagan mong ilubóg n͠g lupít?

Macapangyarihang cánan mo,i, iquilos,
papamilansiquín ang cáliz n͠g poot,
sa Reinong Albania,i, cúsang ibulusoc
ang iyóng higantí sa masamáng loob.

Baquit calan͠gita,i, bingí ca sa aquin
ang tapat cong luhog ay hindi mo dingín?
dí yata,t, sa isang alipusta,t, ilíng
sampong tain͠ga mo,i, ipinan͠gun͠gulíng?

Datapua,t, sino ang tataróc caya
sa mahál mong lihim Dios na daquilà?
ualáng mangyayari sa balát n͠g lupà
dì may cagalin͠gang iyóng ninanásà.

¡Ay dî saán n͠gayón acó man͠gan͠gapit!
¡saán ipupucól ang tinangis-tangis
cong ayao na n͠gayong din͠giguin ng Lan͠git
ang sigao n͠g aquing malumbay na voses!}}
huqvp5rgs8wuo6xi8gyusbjhkyjx4tj
Florante at Laura/Kabanata 5
0
1910
28294
18465
2022-08-12T12:53:08Z
Kwamikagami
674
wikitext
text/x-wiki
{{Florante at Laura|awit|5| A = Panibugho sa Minamahal
| B = Masamang Kapalarang Sinapit
| K = Paggunita sa Nakaraan
| Kasalukuyan =
"Kung siya Mong<ref>{{Babala-IPA}}Itinutukoy dito ang [[:w:Diyos|Diyos]] ng [[:w:Kristiyanismo|Kristiyanismo]].</ref> ibig na ako'y magdusa,
Langit na mataas, aking [[:wikt:mababata|mababata]];
isagi Mo lamang sa puso ni [[Laura]]<ref>Ibinibigkas nang {{IPA|/'laʊra/}} sa karamihan ng pagkakataon.</ref> —
ako'y minsan-minsang mapag-alaala."

"At dito sa laot ng dusa't hinagpis,
malawak na lubhang aking tinatawid;
gunita ni Laura sa naabang ibig,
siya ko na lamang ligaya sa dibdib."

"Munting [[:wikt:gunam-gunam|gunam-gunam]] ng sinta ko't mutya
nang dahil sa aki'y dakila kong tuwa;
higit sa malaking hirap at [[:wikt:dalita|dalita]],
parusa ng taong [[:wikt:lilo't|lilo't]] walang awa."<ref>Si [[Laura]] ang tinutukoy ni [[Florante]].</ref>

"Sa pagkagapos ko'y guni-gunihin,
malamig nang bangkay akong nahihimbing;
at [[:wikt:tinatangisan|tinatangisan]] ng [[:wikt:sula|sula]] ko't giliw,
ang pagkabuhay ko'y walang [[:wikt:hangga|hangga]] [[:wikt:mandin|mandin]]."

"Kung [[:wikt:apuhapin|apuhapin]] ko sa sariling isip,
ang suyuan naman ng pili kong ibig;
ang pagluha niya kung ako'y may [[:wikt:hapis|hapis]],
nagiging ligaya yaring madlang sakit."

"Nguni, sa aba ko sawing kapalaran!
Ano pang halaga ng gayong suyuan ...
ang sing-ibig ko'y katahimikan
ay humihilig na sa ibang kandungan?"

"Sa sinapupunan<ref>Ang kahulugang ginagamit dito ay "pangangalaga", at walang kaugnayan ito sa higit na kilalang kahulugan nitong "kinalalagyan ng sanggol sa loob ng isang babae".</ref> ng [[Konde Adolfo]],
aking natatanaw si Laurang sinta ko;
kamataya't [[:wikt:nahan|nahan]] ang dating bangis mo,
nang 'di ko damdamin ang hirap na ito?"

Dito hinimatay sa paghihinagpis,
sumuko ang puso sa dahas ng sakit;<ref>Ibinibigkas nang {{IPA|/'sakɪt/}}, hindi nang {{IPA|/sa'kɪt/}} dahil itinutukoy ng salita ang paghihirap ng sarili at isip hindi ng mismong katawan. Ganito rin ang pagtutukoy sa karamihan ng paggamit ng salitang ito.</ref>
ulo'y [[:wikt:nalungayngay|nalungayngay]], luha'y [[:wikt:bumalisbis|bumalisbis]],
kinagagapusang kahoy ay nadilig.

Magmula sa yapak hanggang sa [[:wikt:ulunan|ulunan]],
nalimbag ang bangis ng kapighatian;
at ang [[:wikt:panibugho'y|panibugho'y]] gumamit ng asal
ng lalong marahas, [[:wikt:lilong|lilong]] kamatayan.

Ang [[:wikt:kahima't|kahima't]] sinong hindi maramdamin,
kung ito'y makita'y magmamahabagin
matipid na luha ay paaagusin,
ang nagparusa ma'y pilit [[:wikt:hahapisin|hahapisin]].

Sukat na ang tingnan ang [[:wikt:lugaming|lugaming]] anyo
nitong sa [[:wikt:dalita'y|dalita'y]] hindi makakibo,
aakayin biglang umiyak ang puso,
kung wala nang luhang sa mata'y itulo.

Gaano ang awang bubugso sa dibdib
na may karamdamang maanyong tumitig,
kung ang [[:wikt:panambita't|panambita't]] daing ay marinig
nang mahimasmasan ang tipon ng sakit?

Halos buong gubat ay nasasabugan
ng dinaing-daing na lubhang malumbay,
na inuulit pa at isinisigaw
sagot sa malayo niyong alingawngaw.

"Ay! Laurang<ref>Ibinibigkas nang {{IPA|/'lauraŋ/}}, kakaiba sa karaniwang bigkas ng pangalan ni [[Laura]]. Ito ay upang matiyak ang pagkakaroon ng 12 pantig sa bawat taludtod.</ref> Poo'y bakit isinuyo
sa iba ang sintang sa aki'y pangako;
at [[:wikt:pinaglilihan|pinagliluhan]] ang tapat na puso<ref>Ang tinutukoy dito ay ang puso ni [[Florante]].</ref>
pinaggugulan mo ng luhang tumulo?"

"'di<ref>Nangungulang ng "ba" ang taludtod. Muli inalis ito upang matiyak ang 12 pantig.</ref> sinumpaan mo sa harap ng Langit
na 'di [[:wikt:maglililo|maglililo]] sa aking pag-ibig?
Ipinabigay ko naman [[:wikt:yaring|yaring]] dibdib,
wala sa gunita itong masasapit!"
| Orihinal =
Cong siya mong ibig na aco,i, magdusa
Lan͠git na mataás aquing mababata
iságì mo lamang sa púso ni Laura
aco,i, minsan minsang mapag ala-ala.

At dito sa laot n͠g dusa,t, hinagpis,
malauac na luhang aquing tinatauid
gunitâ ni Laura sa naabáng ibig
siya co na lamang ligaya sa dibdib.

Munting gunam-gunam n͠g sintá co,t, mutyâ
n͠g dahil sa aqui,i, daquilâ cong touâ,
higuít na malaquíng hírap at dalita
parusa ng táuong lilo,t, ualang aua.

Sa pagka gapus co,i, cong guni-gunihín
malamig nang bangcay acong nahihimbíng
at tinatan͠gisan nang sula co,t, guiliu,
ang pagca-búhay co,i, ualang hangá mandin.

Cong apuhapin co sa sariling isip
ang suyúan namin nang pili cong ibig,
ang pag luhâ niyá cong aco,i, may hapis
naguiguing ligaya yaring madláng sáquit.

¡Ngunì sa abá co! ¡sauing capalaran!
anópang halagá nang gayóng suyúan
cun ang sin-ibig co,i, sa catahimican
ay humihilig na sa ibáng candun͠gan?

Sa sinapupunan nang Conde Adolfo
aquing natatanáo si Laurang sintá co,
camataya,i, nahan ang dating ban͠gis mo?
nang díco damdamín ang hirap na itó.

Dito hinimatáy sa pag hihinagpís
sumúcò ang püsò sa dahás nang sáquit,
ulo,i, nalun͠gay-n͠gay, lúhà,i, bumalisbís,
quinagagapusang cahoy ay nadilíg.

Mag mulâ sa yapac hangang sa ulunán
nalimbág ang ban͠gís nang capighatían,
at ang panibugho,i, gumamit nang asal
nang lalong marahás lilong camatayan.

Ang cahima,t, sinong hindî maramdamin
cong ito,i, maquita,i, mag mamahabáguin,
matipid na lúhà ay pa-aagusin
ang nagparusa ma,i, pilit hahapisin.

Súcat na ang tingnàn ang lugaming anyo
nitong sa dálita,i, hindi macaquibô
aacaing bigláng umiyác ang púsô
cong ualâ nang lúhang sa mata,i, itúlô.

Ga-ano ang áuang bubugsô sa dibdib
nang may caramdamang ma anyóng tumitig
cun ang panambita,t, daing ay marin͠gig
nang mahimasmasan ang tipon nang sáquit?

Halos boong gúbat ay na sa sabúgan
nang ina-ing-aing na lubháng malumbáy
na inu-ulit pa at isinisigao
sagót sa malayò niyaóng alin͠gao-n͠gao.

¡Ay Laurang poo,i,! baquit isinúyò
sa iba ang sintang sa aqui pan͠gacò
at pinag liluhan ang tapat na púsó
pinang-gugulan mo nang lúhang tumuló?

Dî sinumpa-án mo sa haráp nang lan͠git
na dî maglililo sa aquing pagibig?
ipinabigay co namán yaring dibdib
uala sa gunitâ itóng masasapit.}}
4geupddl1dwo7bve0dzvn0wwyjhf4ll